PUBLIC SERVICE: Scheduled water service interruption ng Manila Water ngayong araw, Feb. 20

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 07:43 AM

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang bahagi ng Taguig City, Angono at Taytay sa Rizal.

Sa abiso ng Manila Water, alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga bukas mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Barangay Napindan.

Ayon sa kumpanya mayroon silang pipe maintenance sa lugar.

Samantala, sa Angono at Taytay naman, may mga barangay na mawawalan ng suplay ng tubig sa pareho ding oras dahil sa line meter at strainer declogging ng Manila Water sa Manila East Road.

Kabilang sa mga maaapketuhan ang mga sumusunod na barangay sa Angono:

Bagumbayan
Kalayaan
Poblacion Ibaba
Poblacion Itaas
San Isidro bayan
San Roque bayan
Sto. Niño
San Pedro
at San Vicente

Habang sa Taytay Rizal maaapektuhan naman ang bahagi ng Brgy. Muzon.

TAGS: Angono, manila water, public service, taguig, Taytay, Angono, manila water, public service, taguig, Taytay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.