Sa sandaling maging isang batas na, magbibigay-daan ito sa paglalatag ng National Health Security Program kung saan dapat mabigyan at matiyak ang universal health care coverage at mga benepisyo sa lahat ng mamamayan.
Inaasahan ding kukuha ng mas maraming nurse ang Department of Health (DOH) kapag naisabatas na ang panukala para matiyak ang sebisyong pangkalusugan sa publiko.
Samantala ayon sa Malakanyang, ngayong araw din nakatakdang lagdaan ng pangulo ang Revised Corporation Code, Philippine Sports Training Center Act, New Central Bank Act, paglikha ng dalawang legislative districts sa Southern Leyte at turnover ng Bangko Sentral ng Pilipinas dividends.