Universal Health Care Bill lalagdaan na ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 06:31 AM

Lalagdaan na ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang Universal Healthcare bill.

Sa sandaling maging isang batas na, magbibigay-daan ito sa paglalatag ng National Health Security Program kung saan dapat mabigyan at matiyak ang universal health care coverage at mga benepisyo sa lahat ng mamamayan.

Inaasahan ding kukuha ng mas maraming nurse ang Department of Health (DOH) kapag naisabatas na ang panukala para matiyak ang sebisyong pangkalusugan sa publiko.

Samantala ayon sa Malakanyang, ngayong araw din nakatakdang lagdaan ng pangulo ang Revised Corporation Code, Philippine Sports Training Center Act, New Central Bank Act, paglikha ng dalawang legislative districts sa Southern Leyte at turnover ng Bangko Sentral ng Pilipinas dividends.

TAGS: Health, law, new law, Rodrigo Duterte, Universal Healthcare Bill, Health, law, new law, Rodrigo Duterte, Universal Healthcare Bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.