Bahay nasunog sa Valenzuela City

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 06:27 AM

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa General T. De Leon sa Valenzuela City.

Pasado ala 1:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahagi ng Bahay Pari at umabot lang sa 1st alarm.

Mabilis ding naapula ang apoy at wala namang nasaktan bunsod ng nasabing sunog.

Hindi na rin ito kumalat sa mga katabing bahay.

Inaalam pa ngayon ng Valenzuela City Fire department kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

TAGS: fire, general t de leon, Valenzuela City, fire, general t de leon, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.