Inaprubahan ng Pangulo ang Republic Act 11188 noong January 10 na inilabas ng Malakanyang araw ng Martes.
Sa ilalim ng batas, ang mga bata na nasa gitna o naipit sa giyera ay magkakaroon ng special protection.
Kabilang ang karapatang mabuhay, kaligtasan sa abuso, hindi marecruit ng armadong grupo at mabigyan ng kaukulang pagkain, kanlungan at iba pang serbisyo gaya ng medikal.
Ang lalabag ay makukulong ng 14 hanggang 20 taon at may multang P1 milyon hanggang P2 milyon.
Samantala, ganap na ring batas ang Republic Act No. 11206 o Secondary School Career Guidance and Counseling Act.
Nakasaad sa bagong batas na ang mga estudyante sa public at private high schools ay pwede nang magdesisyon kung ano ang kanilang kukuning kurso sa kolehiyo.
Layon ng batas maging institutionalize ang career guidance at counseling program para sa mga estudyante sa high school para nasa tamang direksyon ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.