2 patay, 1 sugatan sa salpukan ng AUV at motorsiklo sa Cavite

By Len Montaño February 20, 2019 - 04:37 AM

Dalawa ang nasawi at isa ang nasugatan sa salpukan ng AUV at motorsiklo sa Bacoor, Cavite Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa Bacoor Police, nagsalpukan ang AUV at motorsiklo sa Barangay Habay II ala 1:00 ng umaga.

Bumangga ang motorsiklo sa kanang bahagi ng AUV kaya tumilapon ang dalawang sakay nito.

Pagkatapos ay nawalan ng kontrol ang driver ng AUV at sumalpok sa isang poste.

Agad na namatay ang nagmamaneho ng motorsiklo at angkas nito na inaalam pa ang pagka-kilanlan.

Samantala, nasugatan ang pasahero ng AUV na si Rommel Maralit.

Madalas umano ang aksidente sa lugar dahil na rin sa mabilis na biyahe ng mga sasakyan sa hatinggabi hanggang madaling araw.

TAGS: Angkas, AUV, Bacoor, cavite, dead-on-the-spot, motorsiklo, nawalan ng kontrol, rider, salpukan, Angkas, AUV, Bacoor, cavite, dead-on-the-spot, motorsiklo, nawalan ng kontrol, rider, salpukan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.