Ilang brands ng sardinas ang nagtaas ng P0.40 hanggang P1.30.
Ang mga condensed at evaporated milks ay nagmahal din ng P0.50 hanggang P1.20.
Pati ang mga pampalasa at condiments tulad ng asin, suka, patis at toyo ay nagtaas ng mula P0.30 hanggang P2.20.
Ang ilang brands ng sabong panlaba ay nagmahal din ng P0.75.
Paliwanag ni DTI Assistant Director Lilian Salonga, ang pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin ay dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials.
Halimbawa anya sa sardinas, ang pangunahing sangkap na isdang tamban kasama ang iba pang ingredients ay tumaas ng 35 percent hanggang 37 percent.
Umabot umano sa seven percent ang itinaas ng presyo ng pangunahing bilihin ngayong buwan ng Pebrero
Sinabi ni Salonga na tinitiyak naman ng DTI na makatwiran ang ipinatutupad na price adjustments.