Higit 50 pangunahing bilihin tumaas ang presyo

By Rhommel Balasbas February 20, 2019 - 04:20 AM

Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng higit sa limampung pangunahing bilhin batay sa bagong listahan ng suggested retail price (SRP) ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ilang brands ng sardinas ang nagtaas ng P0.40 hanggang P1.30.

Ang mga condensed at evaporated milks ay nagmahal din ng P0.50 hanggang P1.20.

Pati ang mga pampalasa at condiments tulad ng asin, suka, patis at toyo ay nagtaas ng mula P0.30 hanggang P2.20.

Ang ilang brands ng sabong panlaba ay nagmahal din ng P0.75.

Paliwanag ni DTI Assistant Director Lilian Salonga, ang pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin ay dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials.

Halimbawa anya sa sardinas, ang pangunahing sangkap na isdang tamban kasama ang iba pang ingredients ay tumaas ng 35 percent hanggang 37 percent.

Umabot umano sa seven percent ang itinaas ng presyo ng pangunahing bilihin ngayong buwan ng Pebrero

Sinabi ni Salonga na tinitiyak naman ng DTI na makatwiran ang ipinatutupad na price adjustments.

TAGS: bilihin, dti, gatas, pangunahing bilihin, raw materials, Sardinas, SRP, bilihin, dti, gatas, pangunahing bilihin, raw materials, Sardinas, SRP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.