American missionary na umano’y biktima ng tanim-bala sa NAIA, humarap sa pagdinig ng korte

By Ruel Perez November 25, 2015 - 11:13 AM

12297822_930539580345934_1866378468_o
Kuha ni Ruel Perez

Humarap sa pagdinig ng Pasay Regional Trial Court Branch 119 ang American Missionary na si Lane Michael White na nahulihan umano ng bala sa kaniyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport.

Itinuloy ng korte ang pagdinig sa ihinaing motion for judicial determination of probable cause na isinumite ng kampo ni White sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Ernesto Arellano.

Iginigiit ni Atty. Arellano na walang sapat na ebidensya para masampahan ng kaso si White dahil sa umano’y nahuling bala sa bagahe nito.

Matapos ang pagdinig, pinayagan ni presiding judge Pedro Gutierrez ang kampo ni White na mabigyan ng tatlong araw para pormal na maisalang ang kanilang mosyon.

Sa ngayon submitted for resolution na ang kaso pero hinihiling ni Gutierrez na makuha muna ang findings ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa kaso bago tuluyang magdesisyon sa mosyon.

Ipinapalakip ni Gutierrez ang NBI report sa isinasagawang imbestigasyon sa usapin ng umano’y tanim-bala sa NAIA.

TAGS: laglag bala, tanim bala, laglag bala, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.