7 bata patay sa sunog sa Canada

By Rhommel Balasbas February 20, 2019 - 04:11 AM

AP photo

Patay ang pitong bata na miyembro ng isang Syrian family sa sunog na sumiklab sa lungsod ng Halifax sa Canada.

Nagsimula ang sunog sa bahay na tinitirhan ng pamilya bandang ala-1:00 ng madaling-araw sa Canada.

Ayon sa mga bumbero, agad na natupok ng apoy ang una at ikalawang palapag ng bahay at umabot ng halos isang oras bago nila ito nakontrol.

Ayon sa mga kapitbahay, tatlong buwan gulang hanggang 17 taon ang edad ng mga batang nasawi.

Samantala, dalawa pa ang sugatan dahil sa sunog kung saan isa ay nasa kritikal na kondisyon.

Isa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa nagpahayag ng pagdadalamhati sa insidente.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

TAGS: 7 bata, canada, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, patay, sunog, Syrian Family, 7 bata, canada, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, patay, sunog, Syrian Family

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.