Magnitude 4.0 lindol tumama sa Manay, Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Manay sa lalawigan ng Davao Oriental.

Sa Phivolcs Earthquake Information No. 1, naitala ang lindol alas 2:14 Miyerkules ng umaga.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 20 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol.

Wala ring naitalang intensities sa ibang lugar dahil sa pagyanig.

Read more...