Lalaking nasa drug watchlist patay sa engkwentro sa Bulacan

By Rhommel Balasbas February 20, 2019 - 03:51 AM

Contributed photo

Nauwi sa engkwentro ang buy bust operation ng pulisya sa isang drug personality sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte City, Bulacan madaling araw ng Miyerkules.

Nasawi ang suspek na kinilalang si Ryan Ignacio na nasa watchlist ng San Jose del Monte police.

Maraming natanggap na ulat ang pulisya ukol sa pagkakasangkot ni Ignacio at ng kanyang grupo sa pagbebenta ng droga sa Brgy. Tungkong Mangga, at iba pang baranggay ng lungsod.

Dahil dito ay nagkasa ng buy bust operation laban sa suspek ang pulisya sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Matapos makapagbenta ng shabu sa poseur buyer ay nagpaputok umano ng baril ang suspek at ang kanyang kasamahan laban sa mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at dito na nasawi si Ignacio habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan sakay ang motorsiklo.

Nakuha mula sa crime scene ang improvised shot gun na ginamit ng suspek.

Napag-alaman din na si Ignacio ang nasa likod ng pamamaril sa isang Jeremy Elloria noong December 29, 2018.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang nakatakas na kasamahan ni Ignacio.

TAGS: drug watchlist, engkwentro, Jeremy Elloria, PDEA, Ryan Ignacio, san jose del monte bulacan, drug watchlist, engkwentro, Jeremy Elloria, PDEA, Ryan Ignacio, san jose del monte bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.