DND, ikinatuwa ang pagpapatibay ng SC sa martial law extension
Ikinatuwa ng Department of Defense (DND) ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa constitutionality ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, dahil sa Supreme Court ruling ay makakaasa ang publiko na lalong paiigtingin ng militar ang seguridad sa rehiyon.
Gayundin ang pagbabantay sa mga komunidad sa Mindanao laban sa banta ng terorismo, karahasan at rebelyon.
Dagdag ni Andolong, maayos na ipapatupad ng gobyerno ang Bangsamo Organic Law (BOL) laban sa mga nais manggulo.
Sa ikatlong pagkakataon ay inaprubahan ng Kongreso ang martial law extension sa Mindanao mula ng atakehin ng Maute Group ang Marawi City noong May 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.