Estudyante arestado matapos mahulihan ng marijuana sa Maynila

By Rhommel Balasbas February 20, 2019 - 02:59 AM SHARE(S):
Contributed photo

Timbog ang isang 18 anyos na estudyante matapos mahulihan ng marijuana sa trangkahan ng Arellano University sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang estudyante na si Elmer Diosaban na estudyante ng naturang Pamantasan.

Naaresto si Diosaban matapos inspeksyunin ng security guards ang kanyang bag na bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) ng unibersidad.

Nakuha mula sa kanya ang isang maliit na glass tube na naglalaman ng pinatuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana.

Dinala na ang nakuhang ebidensya sa PNP Crime Laboratory para masuri.

Nahaharap naman ang estudyante sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Arellano University, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Elmer Diosaban, entrance inspection, estudyante, gwardya, Marijuana, SOP, Arellano University, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Elmer Diosaban, entrance inspection, estudyante, gwardya, Marijuana, SOP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.