Langit nagliwanag sa ‘super snow moon’

Credit: Weldann Lester Panganiban

Nagningning ang kalangitan Martes ng gabi dahil sa ‘super snow moon’.

Nasaksihan ng mga Filipino at maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang pinakamaliwanag at pinakamalaking full moon para sa taong ito.

Bandang alas-5:00 hapon, oras sa Pilipinas, naitala ang pinakamalapit na distasya ng buwan sa Earth ngayong 2019 at naging full moon ito bandang alas-11:54 ng gabi.

Tinatayang 221,681 miles lamang ang layo ng buwan sa Earth at ito’y nakita ng 14% na mas malaki at 30% na mas maliwanag.

Dahil sa kasiyahan, hindi magkandamayaw ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagkuha ng larawan ng super snow moon at ibinahagi ito sa social media.

Nag-trending din sa Twitter Philippines ang super snow moon.

Ang katagang ‘snow moon’ ay nagmula sa Native Americans at Europeans dahil nararanasan ang heavy snowfall sa ikalawang buwan ng taon.

Samantala, isa pang super moon ang masasaksihan sa Marso.

Read more...