Karla: “KathNiel” breakup, hindi totoo

By Len Montaño February 20, 2019 - 02:34 AM

Itinanggi ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang balita na hiwalay na ang anak sa girlfriend at onscreen partner nito na si Kathryn Bernardo.

Paglilinaw ni Karla, nasa Nueva Ecija si Daniel para suportahan ang pagtakbo bilang kongresista ng ama nitong si Rommel Padilla.

Ang pagkawala ng aktor ay hindi anya dahil sa umanoy away nila ni Kathryn.

Katunaya, ayon kay Karla, humingi si Daniel ng pahintulot mula sa kanyang mga boss sa ABS-CBN na magbakasyon sa buong buwan ng Pebrero para makapag-relax at bakasyon.

Pagdating anya ng Marso ay dalawang pelikula ang gagawin ni Daniel.

Iginiit ni Karla na taliwas sa balita, maayos ang relasyon ng dalawa.

Pareho na anyang mature sina Daniel at Kathryn at nagtutulungan ang mga ito.

Kaugnay naman ng balita na nag-propose na ang anak kay Kathryn sa Japan, sinabi ni Karla na hindi sila ang mga iyon at nag-assume lang ang mga tao.

TAGS: Bakasyon, breakup, Daniel Padilla, Karla Estrada, KathNiel, Kathryn Berna, relax, Rommel Padilla, Bakasyon, breakup, Daniel Padilla, Karla Estrada, KathNiel, Kathryn Berna, relax, Rommel Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.