WATCH: Social Media, hindi dapat gamitin sa fake news at pagsikil sa press freedom

Iginiit ni Quezon City Vice Mayoralty candidate Atty. Jopet Sison ang kapangyarian ng social media sa kasalukuyan.

Sa programang “A New Life with Bingbong” sa Radyo Inquirer/Inquirer 990 Television, sinabi ni Sison na makapangyarihan ang Social Media para makasira pero pwede rin naman anya itong makapag-hatid ng tamang impormasyon.

Ayon kay Sison, matalino na ang publiko sa ngayon at nakikita na nila ang kaibahan ng tamang balita kumpara sa fake news.

Pero dagdag ng abogado, kung mayroong tamang pangyayari at inireport ito ng media, hindi dapat maharap ang mamamahayag sa kasong libel dahil isa itong pagsikil sa press freedom o kalayaan sa pamamahayag.

Read more...