Thirdy Ravena, pasok sa Gilas’ final 12 vs Qatar

Inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 12-man lineup ng Gilas Pilipinas na lalaban sa Qatar para sa sixth window ng Fiba World Cup Asian qualifiers.

Pasok sa Gilas roster para sa Fiba si Thirdy Ravena, ang nag-iisang collegiate player na naging miyembro ng national basketball team.

Makakasama ng Ateneo superstar sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Jayson Castro, Scottie Thompson, Paul Lee, Marcio Lassiter, Troy Rosario, Gabe Norwood, Mark Barroca, Poy Erram at Japeth Aguilar.

Balik Gilas ang naturalized player na si Blatche mula nang mangyari ang laro kontra Australia noong Hulyo.

Ito rin ang unang appearance ni Barroca para sa Pilipinas mula nang maging bahagi ito ng orihinal na Smart Gilas team.

Makakalaban ng Pilipinas ang Qatar sa must-win game sa Biyernes sa Doha.

Read more...