Sri Lanka PM Sirisena, gagayahin ang style ni Duterte sa war on drugs
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nangako ang kanyang counterpart na si Maithripala Sirisena ng Sri Lanka na gayahin ang kanyang approach sa problema sa droga sa pamamagitan ng pagpatay sa mga suspek.
Matatandaan na sa kanyang state visit noong nakaraang buwan ay pinuri ni Sirisena ang war on drugs ni Duterte.
Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na mismong ang Prime Minister ng Sri Lanka ang nagsabi na gagayahin nito ang kanyang estilo at papatayin umano ni Sirisena ang mga nasa likod ng droga.
“If you look at the Philippines, your left side, your left hand is the west, your right hand is the east. On the western side, we have the golden triangle, also a well known drug cartel in Asia and doing now business in the East Asian countries, prompting even the Prime Minister of Sri Lanka say, ‘I will follow Duterte. I will kill the bastards,” ani Duterte.
Una nang sinabi ni Sirisena na magtatalaga siya ng militar para labanan ang droga dahil naging matagumpay anya sa Pilipinas ang naturang hakbang.
Sinabi pa ng Prime Minister na bibitayin nila ang mga drug suspects at walang commutation sa hatol na bitay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.