Isa pang bloke ng cocaine nakita sa Perez, Quezon

By Len Montaño February 20, 2019 - 12:25 AM

Quezon Provincial Police Office photo

Natagpuan ang isang pack ng puting substance na pinaniniwalaang cocaine sa Barangay Villamanzano Norte sa Perez, Quezon Martes ng gabi.

Quezon Provincial Police Office photo

Inireport ni Barangay Chairman William Banton sa Perez Municipal Police Station ang impormasyon na mayroong bloke ng white substance sa dalampasigan ng Sitio Banlag Barangay Villamanzano Norte.

Lumabas na inisyal na imbestigasyon na ang package ay nakita ng isang estudyante alas 3:00 ng hapon habang nangongolekta ito ng mga kabibi.

Nang butasin ay nakita ang puti at malambot na substance na may mabahong amoy.

Quezon Provincial Police Office photo

Iniwan lamang ito ng estudyante kung saan niya nakita pero nang mapanood ang balita sa bloke ng cocaine na nakita sa bayan ng Mauban ay sinabi niya ito sa kanyang mga magulang.

Dinala ang package sa Provincial Laboratory sa Lucena City para sa pagsusuri.

Nakipag-ugnayan naman ang pulisya sa ibang mangingisda sa iba pang posibleng cocaine na makita sa lugar.

Una nang may natagpuang bloke ng cocaine sa dalampasigan ng Paracale, Camarines Norte.

TAGS: bloke ng cocaine, cocaine, estudyante, kabibi, Perez, Quezon, bloke ng cocaine, cocaine, estudyante, kabibi, Perez, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.