Amerikano, arestado sa child pornography sa Pampanga

By Len Montaño February 19, 2019 - 11:57 PM

Arestado ang isang American national na nangongolekta ng mga larawan ng mga nakahubad na babae dahil sa reklamong child pornography.

Inaresto si Herman Arnett Ross kasunod ng police report mula sa US Department of Justice Federal Bureau na sangkot ito sa online child pornography.

Ang gadget ni Ross na tablet, na gagamiting ebidensya laban sa kanya, ay naglalaman ng mga malalaswang litrato.

Nakuha rin ng pulisya mula sa dayuhan ang mga sex toys, pornographic DVDs, routers at 2 cellphones.

Ayon sa pulisya, iniimbitahan ng suspek ang mga menor de edad na makipag-talik sa kanya o kuhanan ang mga ito ng larawan ng naka-hubad sa halagang P1,000 hanggang P7,000.

Hinihimok din umano ni Ross ang mga biktima nito na magdala ng mas maraming babae.

Dahil sa US report ay sinalakay ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center at ng Anti-Cybercrime Group ang inuupahang apartment ni Ross sa Don Juico Avenue, Barangay Malabanias sa Angeles City.

Tumanggi naman ang suspek na magbigay ng pahayag ukol sa reklamo laban sa kanya.

TAGS: american national, child pornography, Herman Arnett Ross, Pampanga, US Department of Justice Federal Bureau, american national, child pornography, Herman Arnett Ross, Pampanga, US Department of Justice Federal Bureau

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.