Proklamasyon ukol sa Boracay Rehab, pinagtibay ng SC

Pinagtibay ng Korte Suprema ang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa deklarasyon ng state of calamity sa Boracay at ang rehabilitasyon na nagbigay-daan sa pansamantalang pagsasara ng isla.

Sa botong 11-2, pinagtibay ng Supreme Court ang Proclamation No. 475 at ibinasura ng mga mahistrado ang petisyon ni Mark Anthony Zabal laban sa hakbang ng Pangulo.

Ayon kay SC spokesperson Brian Keith Hosaka, ipinunto ng korte na hindi nalabag ng proklamasyon ang karapatang maglayag ng mga bisita sa Boracay.

Ayon sa korte, pansamantala lamang ang epekto ng proklamasyon sa “right to travel” sa gitna ng rehabilitasyon ng isla mula April 26 hanggang October 25, 2018.

Iginiit ng Korte Suprema na ang proklamasyon ni Duterte ay “valid police power measure.”

Read more...