Duterte: Hong Kong trip, utos ng anak kong si Kitty

By Len Montaño February 19, 2019 - 10:00 PM

Credit: Bong Go

Tila tumiklop ang katapangan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang aminin nito na ang pagpunta nila sa Hong Kong ay sa utos ng kanyang anak.

Sa kanyang talumpati sa 9th anniversary ng Mindanao Development sa Davao City, ibinunyag ng Pangulo na pumunta sila sa Hong Kong para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang partner na si Honeylet at dahil sa utos ng anak na si Kitty.

“I go to Hong Kong to celebrate the birthday of my wife because that is the order of my daughter and the order of my daughter, just like the order of mayor here, I follow” ani Duterte.

Biyernes nang tumungo ang mag-anak sa Hong Kong para magbakasyon at bumalik ang tatlo araw ng Linggo.

Dagdag ng Pangulo, isa lamang siyang “sergeant” habang ang kanyang mga anak ay itinuturing niyang “generals.”

Aminado pa si Duterte na sadyang mahirap makipag-ugnayan sa anak na babae dahil nang-aaway anya ang mga ito.

TAGS: honeylet avancena, Hong Kong, kitty duterte, Rodrigo Duterte, utos ni Kitty, honeylet avancena, Hong Kong, kitty duterte, Rodrigo Duterte, utos ni Kitty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.