2 magsasaka, patay sa pamamaril sa Pangasinan

By Angellic Jordan February 19, 2019 - 09:42 PM

Patay ang dalawang magsasaka sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Pangasinan, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, inatake ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem ang biktimang si Roberto Mejia, 49-anyos, habang nakasakay sa tricycle sa Barangay Sancagulis, Bayambang dakong alas 11:10 ng gabi.

Si Mejia ay lider ng lokal na grupo ng mga magsasaka na Anakpawis.

Nagtamo si Mejia ng apat na tama ng bala sa kaniyang katawan.

Isinugod pa ang biktima sa Bayambang District Hospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Sa Tayug naman, pauwi na sana si Virgilio Benigno, 47-anyos, nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki bandang alas 7:30 ng gabi.

Naitakbo pa ang biktima sa Eastern Pangasinan District Hospital ngunit nasawi rin.

Agad namang nakatakas ang suspek matapos ang pag-atake.

TAGS: ANAKPAWIS, magsasaka, pangasinan, patay sa pamamaril, riding in tandem, ANAKPAWIS, magsasaka, pangasinan, patay sa pamamaril, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.