Ito ay ipagkakaloob sa mga bakwit na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi noong 2017.
Ayon kay TFBM chairman Eduardo del Rosario, mula January 2019, nakapagbigay na ang gobyerno ng 2,000 temporary shelter units sa mga residente.
Sa Marso, karagdagang limang daang units ang ibibigay sa mga residente at panibagong batch ng 2,000 units sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Rosario, kakaiba ang mga temporary shelter units dahil ito ay “subdivision type” na mayroong drainage system at iba pang pasilidad.
MOST READ
LATEST STORIES