4,500 temporary shelter units, target ng TF Bangon Marawi

By Angellic Jordan February 19, 2019 - 09:33 PM

Target ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na makapagbigay ng 4,500 na temporary shelter units sa Marawi City ngayong taon.

Ito ay ipagkakaloob sa mga bakwit na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi noong 2017.

Ayon kay TFBM chairman Eduardo del Rosario, mula January 2019, nakapagbigay na ang gobyerno ng 2,000 temporary shelter units sa mga residente.

Sa Marso, karagdagang limang daang units ang ibibigay sa mga residente at panibagong batch ng 2,000 units sa pagtatapos ng taon.

Ayon kay Rosario, kakaiba ang mga temporary shelter units dahil ito ay “subdivision type” na mayroong drainage system at iba pang pasilidad.

TAGS: marawi, task force marawi, temporary shelter units, TFBM chairman Eduardo del Rosario, marawi, task force marawi, temporary shelter units, TFBM chairman Eduardo del Rosario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.