UMak naglunsad ng Japan internship program para sa nursing students

Inquirer file photo

Inilunsad ng University of Makati (UMak) ang kanilang Japan internship program para sa mga mag-aaral ng nursing course.

Katuwang ng UMak sa nasabing proyekto ang Wakatakedaijukai (Japanese Social Welfare Corporation) at ang Asiantouch International Training Institute Inc.

Sinabi ni Makati city Mayor Abby Binay na layon ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga nursing students sa UMak na mahasa ang kanilang kasanayan sa abroad.

Mabibigyan rin ng pagkakaton ang mga mag-aaral na maranasan ang tinatawag na immersion sa kultura ng mga Hapon.

“I would like to thank UMak and its partners for facilitating this learning program. We already had two nursing students who were sent to Japan last year. We look forward to helping more nursing students and graduates increase their employability,”ayon kay kay Mayor Binay.

Sinabi ni Dr. Maria Fay Nenette Carriaga, Dean ng UMak College of Allied Health Studies (COAHS) na kanilang napili sina Licca May Andrada at Cathyrine Ceria,parehong senior nursing students na maging kinatawan sa nasabing programa.

Ayon kay Dr. Carriaga, “Ms. Andrada and Ms. Ceria were sent to Japan last September 5 until November 1 for their internship. They were accompanied by Prof. Cynthia Umila, the clinical chairperson of CON.”

Noong Abril ng nakalipas na taon ay isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan sa pagitan nina Dr. Elyxzur Ramos, vice president for academic affairs ng UMak, Mr. Kazuo Takeda ng Watakedaijukai, at Ma. Jocelynn Rodriguez ng Asian Touch International.

Nakasaad sa kasunduan na ang Wakatakedaijukai ang gagastos para sa internship expenses, pati na ang round-trip airfare, pagkain, accommodation allowances, at monthly living allowance na 65,000 JPY habang nasa Japan ang mga napiling mag-aaral.

Ang Wakatakedaijukai rin ang gumastos sa training expenses para sa napiling intern kung saan ay sumailalim rin sila sa 300-hour Nihonggo at socio-cultural classes bago ang kanilang pagpunta sa Japan.

Samantala, sinabi naman ni Professor Rosalie Catanghal, program chair for CON, na nagpapatupad na ang UMak ng kabuuang 2,295 hours internship sa kanilang mga nursing students bago maka-graduate.

Noong June 2018, ang UMak ay nagtala ng 75 percent overall passing rate kung saan 21 sa kanilang mga graduates ang pumasa sa Nurse Licensure Examination.

Ang UMak ay nag-aalok rin ng ilang undergraduate degrees, kabilang dito ang: Bachelor of Science in Nursing, BS Radiologic Technology, Bachelor of Science in Pharmacy with enhancements in Pharmaceutical Marketing, Associate of Applied Science in Pharmacy Technology.

Kabilang naman sa kanilang degree programs ang Master of Arts in Nursing, Master of Science in Radiologic Technology, at Master of Business Administration in Healthcare Management.

Read more...