P10-B na pondo sa Rice Tarrification Act hindi masasayang ayon sa Malacañang
Sinabi ng Malacañang na magiging bukas sa publiko ang paggastos sa P10 Billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na nakapaloob sa nilgdaan ng pangulo na Rice Tarrification Law.
Kanila ring tiniyak na hindi ito pagmumulan ng isyu sa graft and corruption sa pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa kahit anong proyekto ng gobyerno ay pinatitiyak ng pangulo na hindi ito pagmumulan ng anumang uri ng katiwalian.
Sa ilalim ng Rice Tarrification Act ay inaalis ng pamahalaan ang ilang quantitative restrictions na nagbubukas sa mga negosyante ng karapatan na umangkat ng bigas kapalit ang pagbabayad ng tamang buwis.
Nauna na itong kinontra ng ilang magsasaka sa pagsasabing papatayin nito ang local rice industry sa bansa dahil sa pagbaha sa merkado ng mga imported na bigas.
Laman rin ng bagong batas na kailangang pasanin ng mga importer ang pagbabayad ng phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry maliban pa sa 35-percent tariff sa shipments ng mga bigas na aangkatin sa ilang mga bansa sa Southeast Asia.
Ipinaliwanag ng Malacañang na ang P10 Billion RCEF fund ay hahatiin sa ilang bahagi.
Ilalaan ang P5 Billion para sa farm mechanization, aabot naman sa P3 Billion ang para sa seedling procurement at P1 Billion ang nakalaan para sa expanded rice credit assistance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.