PNP tukoy na ang bagsakan ng cocaine sa karagatang bahagi ng bansa
Dalawang drop-off points ng cocaine ang tinitignan ng Philippine National Police (PNP) sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagkakadiskubre ng mga bloke ng cocaine sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac na posibleng mayroong bagsakan ng droga sa dakong Hilaga at katimugang bahagi ng bansa.
Aniya, mahigpit nang naka-monitor ang pulisya sa eastern seaboards ang Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Caraga at Davao regions.
Dagdag pa ng opisyal, posibleng kumukuha ang mga sindikato ng undocumented crew at hindi rehistradong barko para sa pagpapadala ng mga kontrabando.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang PNP sa kanilang counterparts sa mga bansa sa Southeast Asia para masugpo ang nagsusuplay ng cocaine sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.