Iba pang establisyimento malapit sa Manila Bay na nakitaan ng paglabag inisyuhan ng cease-and-desist order

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2019 - 11:54 AM

Isinilbi ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang cease-and-desist orders sa mas marami pang establisyimento sa palibot ng Manila Bay.

Ang mga establisyimento ay inatasan ng LLDA na tumigil sa kanilang operasyon matapos madiskubre na nang kanilang waste water ay nagdudulot ng polusyon sa Manila Bay na sumasailalim sa rehabilitasyon.

Kabilang sa inatasang itigil ang operasyon ay ang branch ng fastfood giant na Jollibee sa Macapagal Blvd.

Pero ayon sa LLDA, nagpaabot na ng impormasyon ang pamunuan ng nasabing branch ng Jollibee na ititigil na nito ang operasyon at isasailaim nila sa repair ang nasira nilang sewage treatment plant.

Pinuntahan din ng LLDA ang HengFeng Kitchenette sa kahabaan ng Harrison St. para isilbi ang kautusan.

TAGS: cease-and-desist orders, Laguna Lake Development Authority, LLDA, Manila Bay rehab, cease-and-desist orders, Laguna Lake Development Authority, LLDA, Manila Bay rehab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.