Rice Tariffication Law maaring mauwi sa galit ng mga magsasaka – Anakpawis

By Erwin Aguilon February 19, 2019 - 11:17 AM

Ibinabala ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na posibleng mauwi sa galit ng mga lokal na magsasaka ang pagsasabatas sa Rice Tariffication Law.

Ayon kay Casilao, lalo lamang lalaki ang problema sa pagkain at matinding kagutuman sa bansa na magbubunga ng galit mula sa mga mahihirap.

Dahil dito, mananagot anya si Pangulong Rodrigo Duterte sa galit ng mga mahihirap at magsasaka bunsod na rin ng magiging epekto ng Rice Tariffication Law.

Hindi aniya malabong maulit ang Kidapawan Massacre noong 2015 kung saan nagdemand ng tulong ang mga nagugutom na mahihirap at magsasaka pero bala ang itinugon sa kanila ng gobyerno.

Sinabi pa ng mambabatas na mula pa noong 1995 ay binabaha na ang bansa ng imported rice alinsunod na rin sa World Trade Organization – Agreement on Agriculture pero hindi naman nagawang abot-kaya o mura ang bigas sa bansa dahil na rin sa pagkontrol ng mga rice cartels.

TAGS: ANAKPAWIS, Radyo Inquirer, rice tariffication bill, ANAKPAWIS, Radyo Inquirer, rice tariffication bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.