Fil-Am model na si Kelsey Merritt tampok sa cover ng Sports Illustrated Magazine

IG photo
Matapos ang makasaysayang pagrampa sa Victoria’s Secret Fashion show muling gagawa ng kasaysayan ang Fil-American model na si Kelsey Merritt.

Si Merritt ang itinanghal na 2019 swimsuit rookie ng kilalang sports magazine na Sports Illustrated.

Ibinahagi ni Kelsey ang nasabing balita sa kanyang instagram account kasabay ng pag-amin na matagal na niyang inilihim ang nasabing pagkilala hanggang hindi nagsisimula ang pictorial.

Maging sa Instagram account ng Sports Illustrated ay nagpatikim ng mga ganap sa pictorial Kelsey na ginawa sa Exuma, Bahamas.

Nilagyan pa ito ng caption na: “@kelseymerritt may be an #SISwim rookie, but her SNEAK PEEK from @larettahouston shows she’s already a STAR”

Ibinahagi din ni Kelsey ang nasabing pictorial sa kanyang IG.

“Sneak preview from my #SISwim Rookie shoot! Can’t wait for the issue to come out in May.” ayon sa caption ng model.

Si Kelsey ang kauna-unang pinay na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion show at kauna-unahang pinay na itatampok sa cover ng Sports Illustrated.

Ilan sa mga modelo na naitampok sa cover nito sina Tyra Banks, Heidi Klum, Kate Upton, at Chrissy Teigen.

Lumaki siya sa Angeles City sa Pampanga at nagtapos sa Ateneo de Manila University.

Read more...