12.6 degrees Celsius naitala sa Baguio City ngayong umaga; 20.4 degrees Celsius sa Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2019 - 10:18 AM

Malamig pa rin ang temperatura na naitala sa malaking bahagi ng bansa dahil sa epekto ng northeast monsoon.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ng Martes, Feb. 19, nakapagtala ng 12.6 degrees Celsius na minimum na temperatura sa Baguio City, alas 5:00 ng umaga.

Sa Metro Manila naman, 20.4 degrees Celsius ang minimum temperature na naitala sa PAGASA Science Garden alas 6:00 ng umaga.

Malamig din ang temperaturang naitala sa Tanay, Rizal na 18.9 at 19.1 degrees Celsius naman sa Tuguegarao City sa Cagayan.

Magugunitang ngayong taong 2019, 19 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura ang naitala sa Metro Manila noong February 15 at January 17.

TAGS: baguio city, Metro Manila, Pagasa, Temperature, weather, baguio city, Metro Manila, Pagasa, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.