Honda isasara na ang kanilang planta sa Swindon, England
Isasara ang planta ng Japanese car giant na Honda sa south west England.
Base sa anunsyo, sa taong 2022 maaring isara ang planta sa Swindon at maaring maapektuhan ang nasa 3,500 na mga manggagawa.
Ayon kay Justin Tomlinson, miyembro ng parliament, nakausap na niya ang pamunuan ng Honda at nilinaw naman nitong walang kaugnayan sa Brexit ang napipintong pagsasara.
Global trends umano ang binanggit na dahilan ng Honda.
Ang naturang planta ng Honda sa Swindon ay nakapag-produce na ng Civic model para sa global markets sa loob ng mahigit 24 na taon.
Samantala ang Nissan at Ford ay nauna na ring nagbabala na maaring ipasara nila ang kanilang planta sa Britain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.