P120K na halaga ng marijuana nakumpiska sa buy-bust sa Valenzuela

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2019 - 09:29 AM

Tinatayang aabot sa P120,000 na halaga ng marijuana ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Valenzuela City.

Nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa bahagi ng 7th Street, Fortune Village 5, Barangay Parada, ala 1:00 ng madaling araw ng Martes (Feb. 19).

Nagawang makabili ng undecover officer ng P500 na halaga ng marijuana mula sa suspek na si Johnedel Geronimo.

Matapos ito ay agad dinakip ang suspek at isa pang kasama nito na si Methusela Paradero.

Nang inspeksyunin ang dala nilang Toyota Innova, nakuha doon ang isang bag na naglalaman ng apat na bricks ng marijuana.

Dinala na sa Valenzuela City Police Station ang mga suspek para masampahan ng kaso.

TAGS: barangay parada, four bricks of marijuana, Marijuana, Valenzuela City, War on drugs, barangay parada, four bricks of marijuana, Marijuana, Valenzuela City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.