Locsin: Papatayin ko ang hihingi ng birth certificate sa passport renewal

Napamura si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., nang may magtanong na netizen sa kaniyang twitter kung bahagi pa rin ng requirement ang birth certificate kapag magre-renew ng passport.

Sa kaniyang twitter, isang netizen ang nagtanong kay Locsin kung kailangan pa rin ba ang birth certificate sa passport renewal.

Sa kaniyang sagot, napamura si Locsin at sinabing isumbong sa kaniya ang sinumang hihingi ng birth certificate bilang requirement at papatayin niya ito.

Magugunitang sa Department Order 03-2019 ay inalis na ni Locsin ang birth certificate bilang requirement sa passport renewal.

Read more...