Negosyanteng tinambangan sa EDSA may mga kasong paglabag sa bouncing check law

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2019 - 08:57 AM

Inquirer Photo/RICHARD REYES

May kinakaharap umanong mga kasong bouncing check ang negosyanteng tinambangan sa EDSA na si Jose Luis Yulo.

Ayon kay Sr. Supt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong City police, 14 ang reklamo na kinakaharap ni Yulo at lahat ay may kaugnayan sa bouncing check law.

Maliban dito, natuklasan din ng Task Group Yulo na ito ay naghain ng reklamong grave threat.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang status ng grave threat na isinampa ni Yulo at kung sino ang inireklamo niya.

Kabilang sa mga negosyo ni Yulo ay real state gun accessories distribution at automobile.

Sinabi pa ni Villaceran na may nakuha ring .38 revolver na may 12 extra rounds ng mga bala sa bag ni Yulo nang mangyari ang krimen.

TAGS: EDSA ambush, Jose Luis Yulo, Radyo Inquirer, EDSA ambush, Jose Luis Yulo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.