Sara Duterte nag-motorsiklo mula Ilocos Norte hanggang Isabela para sa campaign rally ng HNP

IG Photo

Sakay ng kaniyang big bike maagang bumiyahe si Davao City Mayor Sara Duterte mula Laoag Citym Ilocos Norte patungong Santiago City, Isabela.

Sa lalawigan ng Isabela ang campaign rally ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ngayong araw.

Sakay ng kaniyang Yamaha XSR900 na pinangalanan niyang “Ella”, biniyahe ni Mayor Sara ang Ilocos Norte patungong Isabela na mahigit 400 kilometero ang layo.

Kasa-kasama din ni Mayor Sara ang kaniyang stuffed toy na pinangalanan niyang si “Elvis”.

Read more...