Pakistani na sangkot sa carnapping at estafa arestado sa Makati

By Jong Manlapaz February 19, 2019 - 08:29 AM

Hindi na nakapalag pa ang isang Pakistani national matapos mahuli ng mga tauhan ng Makati City Police Anti-Carnapping Unit, nang kumagat sya sa entrapment operation laban na ikinasa sa kanya.

Nahaharap ang suspek na si Raj Kumat Dadlani Jr., 37 anyos sa kasong Carnapping o R.A. 10883 at estafa na sinampa ng mga biktima na sina Larry Daroca at Lucas Mangabat.

Nag-ugat ang kaso ni Dadlani ng nakawin umano nito ang Hyundai Van H100 Shuttle Body umaga ng January 9, 2019 na nakaparada sa harap ng Darocca Residence sa Sampaloc St., Barangay San Antonio, Makati City.

Nang tignan ang CCTV nakita nila na isang lalaki na foreign looking ang tumangay ng sasakyan.

February 16, 2019, nakatanggap ng impormasyon ang Ancar Unit ng Makati CPS na isinanla ng suspek sa Batangas City ang sasakyan.

Sa follow-up operation nabawi ng mga pulis ang sasakyan at napag-alaman nila na isinanla ang sasakyan kay Lucas Mangabat na residente ng Paharang East, Batangas City.

Si Mangabat naman ang nagpaabot ng impormasyon sa mga otoridad tungkol sa dayuhan.

Doon na nagkasa ng entrapment operation laban kay Dadlani at nakumbinsing babayaran ang balanse sa pagkakasanla ng sasakyan sa Cash and Carry Mall, Makati City.

Kasong carnapping at estafa ang kinakaharap ngayon ng suspek.

TAGS: arrested in makati, carnapping, estafa, pakistani national, arrested in makati, carnapping, estafa, pakistani national

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.