Diocese sa Oakland, California naglabas ng listahan ng mga pari at iba pang opisyal ng simbahan na sangkot sa sexual abuse

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2019 - 08:07 AM

Inilabas ng Catholic Diocese of Oakland sa California ang listahan ng mga pari at iba pang mga opisyal ng simbahan na sangkot sa sexual abuse.

Ang listahan ay kinapapalooban ng mga kaso mula pa noong 1962 kung kailan itinatag ang diocese.

Sa 45 na pangalan na kasama sa listahan, 20 doon ay pari.

Wala naman na sa mga nasa listahan ang naninilbihan pa sa serbisyo.

Karamihan sa mga insidente ng sexual abuse ay nangyari sa pagitan ng 1960s hanggang 1980s.

Karamihan din sa mga pari na nasa listahan ay pumanaw na.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Bishop Michael C. Barber, mula noong 1988 hanggang sa kasalukuyan, wala na silang natanggap na credible na akusasyon ng pang-aabuso.

TAGS: California, diocese, oakland, priest with sexual abuse cases, California, diocese, oakland, priest with sexual abuse cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.