Pito kabilang ang isang estudyante arestado sa illegal na droga sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2019 - 07:00 AM

Arestado ang pitong katao kabilang ang isang estudyante sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa sa Davao City.

Isang alyas Rey ang unang naaresto sa bahagi ng Barangay 2-A at nakuhanan ng P3,000 halaga ng ilegal na droga.

Aminado naman ang suspek na nagtutulak siya ng droga at galing aniya sa Davao Del Norte ang mga ibinebenta niyang shabu.

Samantala, nadakip naman ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement AGency (PDEA) ang limang katao sa isang drug den sa Barangay 8-A.

Isang alyas Vin ang target ng operasyon na sangkot umano sa pagtutulak ng shabu.

Maliban kay Vin, nadakip din ang kaniyang kapatid at tatlong iba pa.

Samantala, sa barangay Licanan, Lasang, arestado ang isang estudyante matapos siyang makuhanan ng marijuana sa isang checkpoint.

Hinarang ng mga otoridad ang estudyante at nang kapkapan ay nakuha sa kaniyang backpack ang 8 gramo ng marijuana na aniya ay ginagamit niya pangpatanggal ng stress.

TAGS: checkpoint, Davao City, Radyo Inquirer, War on drugs, checkpoint, Davao City, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.