Babae sugatan matapos holdapin ng suspek na kalalaya lang sa kulungan

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2019 - 06:57 AM

Sugatan ang isang babae matapos holdapin ng isang suspek sa bahagi ng NIA Road sa Quezon City.

Nagtamo ng saksak ng barbecue stick sa kaniyang mukha ang biktima mula sa suspek na kinilalang si Mark Reyes.

Kwento ng biktima, nag-aabang sya ng masasakyan patungong Novaliches nang siya ay holdapin ng suspek at kunin ang kaniyang cellphone at bag.

Hinalikan at hinipuan pa umano siya ng suspek.

Agad namang nakahingi ng saklolo ang biktima kaya tumulong ang mga residente sa lugar para madakip ang salarin.

Kinuyog naman ng publiko si Reyes na nagtamo din ng sugat sa katawan.

Si Reyes ay naaresto noong July 2018 at nakulong dahil din sa panghoholdap.

Kwento niya, nagawa niyang mangholdap muli dahil wala siyang pamasahe pauwi ng probinsya.

TAGS: hold-up incident, quezon city, hold-up incident, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.