Peru, niyanig ng magnitude 7.5 na lindol

Iberia Peru
From usgs.gov

Niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang silangang bahagi ng Peru.

Naganap ang pagyanig 5:45 ng gabi sa Peru, alas 6:45 naman ng umaga sa Pilipinas.

Naitala ang lindol sa 173 kilometers west-northwest ng Iberia at sa 681 kilometers east-northeast ng capital ng Peru na Lima.

Ayon sa US Geological Survey, walang inaasahang pinsala sa naganap na lindol dahil masyadong malalim ang pagyanig na 602 kilometers ang lalim.

Wala ring inilabas na tsunami warning matapos ang nasabing lindol.

Limang minuto matapos ang malakas na pagyanig, ay agad itong sinundan ng magnitude 5.9 na aftershock.

Read more...