Amihan, makakaapekto sa buong bansa ngayong araw

By Len Montaño February 19, 2019 - 04:51 AM

Magiging maulap ang panahon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa pag-iral pa rin ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Sa 4a.m. Pagasa weather forecast ngayong Martes (February 19), partly cloudy na may isolated rains ang iiral sa Bicol region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.

Parehong panahon ang asahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon pa sa Pagasa, katamtaman hanggang malakas ang hangin sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao habang ang coastal waters ay moderate hanggang rough.

Mahina hanggang katamtaman naman ang ihip ng hangin sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas

TAGS: amihan, isolated rains, Maulap, Pagasa, weather forecast, amihan, isolated rains, Maulap, Pagasa, weather forecast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.