Taripa sa angkat na bigas at paglipat ng NFA sa DA, simula na sa Marso

By Len Montaño February 19, 2019 - 04:18 AM

Nakatakdang magsimula sa susunod na buwan ang taripa sa rice imports at ang paglipat ng National Food Authority (NFA) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay alinsunod sa inaprubahan ng NFA Council.

Sa statement ng Department of Finance (DOF) ay nakasaad na epektibo sa March 3 ang implementasyon ng tariff sa angkat na bigas.

Nakasaad din na inaprubahan ng NFA Council ang paglipat ng trabaho ng NFA sa DA alinsunod sa bagong rice tariffication law.

Nagpulong ang NFA Council araw ng Lunes at plinantsa ang implementing rules and regulation (IRR) ng bagong batas.

Unang kinumpirma ng Palasyo na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpataw ng 35 percent na taripa sa mga aangkating bigas mula sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia.

Layon ng batas na magkaroon ng unlimited na imported rice basta’t mayroong phytosanity permit ang pribadong negosyante mula sa Bureau of Plant and Industry at magbabayad ng 35 percent na taripa sa shipment mula sa mga bansa sa rehiyon.

Sa pulong ng council ay inaprubahan din ang mosyon na magsumite ang NFA ng restructuring plan sa loob ng 30 araw imbes na ang unang panukala na 180 araw

TAGS: 35 percent taripa, Department of Agriculture, Department of Finance, imported rice, nfa, nfa council, rice import, rice tariffication law, unli rice, 35 percent taripa, Department of Agriculture, Department of Finance, imported rice, nfa, nfa council, rice import, rice tariffication law, unli rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.