May-ari ng bahay, nawawala sa sunog sa Mandaluyong

By Len Montaño February 19, 2019 - 03:37 AM

Contributed photo

(Update) Napaulat na nawawala ang may-ari ng bahay ng nasunog na bahay sa Ayala Homes sa Barangka, Mandaluyong City.

Ayon sa otoridad, hinahanap ang may-ari ng bahay na si Raymond Liwanag.

Sa report ng Bureau of Fire Protections (BFP), wala sa bahay ang asawang babae nang mangyari ang sunog.

Hindi umano ma-contact ang lalaking may-ari kaya nagsagawa ng clearing operation ang mga bumbero.

Nabatid na ilang sasakyan sa bahay ang kasamang nasunog.

Nagsimula ang sunog alas 1:41 Martes ng umaga.

Itinaas ang unang alarma alas 1:45 ng umaga.

Dakong 2:08 ng umaga ay nagdeklara ng fire under control.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan at halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog.

TAGS: Ayala Homes, Barangka Mandaluyong, nawawala, Raymond Liwanag, sunog, Ayala Homes, Barangka Mandaluyong, nawawala, Raymond Liwanag, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.