Antetokounmpo, bigong makuha ang NBA All-Star Game MVP

By Len Montaño February 19, 2019 - 01:16 AM

AFP photo

Sa kabila ng nagawang 38 points at 10 rebounds, bigo si Giannis Antetokounmpo na masungkit ang Most Valuable Player (MVP) award sa NBA All-Star Game.

Ayon kay Antetokounmpo, sa gitna ng third quarter ay naisip niyang may chance siya na unang international player na magiging MVP.

Pero nakahabol ang Team Lebron at tinalo ang Team Giannis sa score na 178-164.

Si Kevin Durant ng Team Lebron ang itinangghal na All-Star MVP.

Ayon kay Antetokounmpo, hindi sila nanalo kaya hindi niya nakuha ang parangal.

Pero sinunod naman nito ang payo ng kapatid na si Thanasis Antetokounmpo na dalawang beses na naging MVP sa Greek League.

Sinimulan ni Giannis ang laro sa pamamagitan ng tila isang dunk fest, lima sa mga ito ay sa first quarter lamang.

Umaasa na lamang si Antetokounmpo na makakuha siya ng maraming MVP awards gaya ng kanyang kapatid.

Ang 23 anyos na Milwaukee Bucks star ang best player sa NBA Eastern Conference ngayong nasa Los Angeles Lakers na si Lebron James.

TAGS: Giannis Antetokounmpo, Kevin Durant, LeBron James, MVP, NBA All-Star, NBA All-Star MVP, NBA Eastern Conference, Team Giannis, Team Lebron, Thanasis Antetokounmpo, Giannis Antetokounmpo, Kevin Durant, LeBron James, MVP, NBA All-Star, NBA All-Star MVP, NBA Eastern Conference, Team Giannis, Team Lebron, Thanasis Antetokounmpo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.