Measles outbreak sa Region 2, posibleng ideklara ng DOH
Posibleng magdeklara ang Department of Health (DOH) ng measles outbreak sa Region 2 kasunod ng paglobo sa 578 percent ng kaso ng tigdas ngayong Pebrero.
Ayon sa DOH, ang mga lalawigan ng Cagayan at Isabela ang nasa peligro kapag patuloy sa pagdami ang mga pasyente sa kabila ng mass vaccination na isinasagawa sa rehiyon.
Ang Region 2 ay binubuo ng Cagayan, Isabela, Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino.
Noong nakaraang buwan ay nagdeklara ang ahensya ng measles outbreak sa Metro Manila.
Samantala, bumaba na sa 263 ang bilang ng mga pasyente na may tigdas sa San Lazaro Hospital, 100 kaso na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo.
Sinabi naman ng DOH na dumami ang mga magulang na nagdala ng kanilang mga anak sa mga health center para mabakunahan kontra tigdas.
Pero sinabi ng ahensya na kailangan pa ring dalhin agad sa ospital ang may sakit na tigdas dahil posibleng hanggang Abril o Mayo pa matapos ang outbreak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.