300 kilo ng kontaminadong frozen meat nasabat sa Commonwealth Market

By Erwin Aguilon November 25, 2015 - 07:54 AM

FORZEN MEAT FILE
FILE PHOTO from CDN

Aabot sa 300 kilo ng mga contaminated frozen meat ang nakumpiska sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office sa Commonwealth Market.

Ayon kay Dr. Ana Cabel, pinuno ng Quezon City Veterinary Office, nasamsam sa apat na stall sa palengke ang nasabing mga karne.

Hindi aniya maayos ang pag-handle ng mga karne kaya maituturing na masama ito sa kalusugan.

Paliwanag ni Cabel, ang mga frozen meats ay dapat nananatili sa loob ng freezer, gayunman, nang dumating sa Commonwealth Market ang kanilang mga inspector, nakita nakalapag lamang sa gilid ng mga tindahan ang mga karne.

Nilinaw ni Cabel na hindi naman bawal ang pagbebenta ng frozen meat pero dapat ay maayos ang lalagyan at pag-handle sa mga ito.

TAGS: Commonwealth Market, Frozen Meat, Commonwealth Market, Frozen Meat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.