SSS: Dagdag benepisyo katumbas ng dagdag kontribusyon

Inihayag ng Social Security System (SSS) na ang kanilang mga miyembro ay magkakaroon ng mas maraming benepisyo kapag nasimulan na ang pagbabayad ng mas mataas na kontribusyon alinsunod sa bagong Social Security Act.

Ayon kay SSS president at CEO Emmanuel Dooc, bukod sa mga umiiral na benepisyo, ang mga aktibong miyembro ay magkakaroon na ng unemployment insurance o involuntary separation benefit sa ilalim ng bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

Ang ibibigay anyang halaga ay benepisyo at hindi pautang.

Dagdag ni Dooc, bawat SSS member ay makukuha ang kanyang kontribusyon sa provident fund bukod sa pensyon at iba pang benepisyo na dapat niyang matanggap.

Sa ilalim ng bagong batas, tataas sa 12 percent ang kontribusyon ng kada miyembro mula sa dating 11 percent.

Para sa may trabaho, babayaran ng empleyado ang 4 percent na kontribusyon habang sagot ng employer ang 8 percent.

Unti-unting tataas ang buwanang kontribusyon kada 2 taon hanggang umabot ito sa 15 percent sa 2025.

Iginiit ni Dooc na ang dagdag kontribusyon ay mahalaga sa pagpapalawig ng pondo ng SSS hanggang 2045.

Read more...